Sunday, October 30, 2005

kaze gimi? (slight cold?)

hmn...nagising ako kaninang umaga masakit ang lalamunan ko......tatrankasuhin ba ako? Sabagay halos ilang araw din akong kulang sa tulog. Pero syempre deadma, kailangan kong kumilos at hwag intindihin para hindi sya magtuloy-tuloy. Inom na lang ako ng gamot bago matulog. Tsaka magmula bukas hindi na muna ako magpupuyat, babawi muna ako ng tulog..Baka magtuloy-tuloy eh mahirap na. ciao!

Saturday, October 29, 2005

Ang aking si Alto....



Dahil nai-switch ko na ang aking Philippine drivers license sa Japanese drivers license, pwede ko ng i-post dito ang picture ng aking si Alto Suzuki. Nabili namin sya sa isang tiyahin sa murang halaga nung isang taon pa. Kaya lang hindi ko pa nasubukan i-drive mag-isa sa dahilang paper driver po ako. Binili namin ito para makapagpractice ng driving dito sa Japan. at medyo inconvinient ang lugar namin sa halos lahat ng bagay, pamilihan, ospital, eskwelahan at iba pa. At para sa emergency mayroon kang magagagamit lalo na pagnagtag-lamig dito sa Japan. Kaya pagnagkaroon ng time i-aarangkada ko rin sya(^-^).

Thursday, October 27, 2005

Dragon Fly....


Bihirang makakita ng tutubing nakasakay sa tren kaya kinunan ko sya nung isang araw . Napagod na siguro sya sa kalilipad kaya sinubukan naman nyang sumakay ng tren para madaling makarating sa kanyang paroroonan.(^0^)Nakakatuwa dahil first time kong makakita nito at talagang pumunta pa sya sa may bintana para siguro makita ang view ng hindi rin sya maligaw(^0^);Sayang at yung camera ng cellphone ko ang ginamit ko ,hindi ko dala ang digital camera para nakunan ng picture ng mas maganda..(^_^)...

Wednesday, October 19, 2005

Rainy Season?

Magmula pa nung nakaraang linggo panay na ang ulan.... kailan kaya aaraw? Yan ang laging itinatanong kung hindi umaaraw.......!Pero sa wakas sumilay din si haring araw ngayon kaya lang ang lamig naman ng simoy ng hangin...!kaya maginaw! I need to prepare all the clothes for autumn and winter na pala....... (^0^);

Athletic meet of an Association

Kahit na umuulan nung October 16, 2005 kailangang ituloy ang athletic meet dito sa lugar namin dahil maraming maaantalang gawain kung ipagpaliban ito. O kaya yung ibang mga players din ay may iba't-ibang commitment na hindi na pwedeng i-cancel. Mayroong iba't-ibang palaro na may points, pagkain tulad ng breads, vegetables, and fruits , anumang kagamitan like notebooks , etc. na mapapanalunan pero tinapos din ng bangdang tanghali dahil sa hindi nga maganda ang panahon. Pero kahit na 2games lang ang natapos ay nanalo pa rin ang team namin. Then nagkaroon ng meeting ang mga namumuno , at isa kami roon, may konting salu-salong pagkain at inumin. Inabot din kami ng naghapon bago nakauwi ng bahay. Pagod ka na lasing pa!hehehe! Pero enjoy naman.

Sunday, October 09, 2005

Switching Philippine drivers license to Japanese drivers license

Nagbago na ang batas ng Japan tungkol sa pagmamaneho ng sasakyan na gamit ang International Driving License. Ang IDL ay pwede lamang gamitin kung nag-stay ka ng 3months sa Pilipinas , pero kung may balak kang magtagal sa Japan ng 1 year above ay kailangan mo ng i-convert ang iyong local license sa japanese drivers license. Ang sinuman na mahulihan na gumagamit ng IDL kahit hindi mo alam ang bagong batas na ito ay mumultahan ka pa rin ng 200,000 or 300,000 yen o mahigit pa.

Mabuti na lang nasabihan ako ng isa kong kaibigan na hindi na pwede ang IDL. Kaya kahit na paper driver pa rin ako for 14 years, lakas loob pumunta ako sa Futamatagawa Licensing center. Hindi naman kasi makakapag-practice kung wala kang license. Una dinala ko na ang halos lahat ng requirements like :
valid Phils. drivers license w/ OR(official receipt) , dahil sa 5 times na akong nag-renew ng license hindi na nakasulat ang date of issue, wala na rin yung 1st OR ko kaya nagpakuha ako sa father ko ng certification sa LTO na nagpapatunay kung kailan na issuance ang ang aking license. Then kailangan mapa-authenticate sa Malacanang at mapalagyan din ng red ribbon sa DFA. Ang masaklap nito hindi tally yung number na nakalagay sa certification sa LTO at sa dala kong OR. So panibagong pakuha na naman ng certification and this time kailangan naman ang certification from Phil. Embassy. Kaya punta ako ng Tokyo para kumuha mga 5,250 yen ang bayad. Nung makumpleto ko ang requirements go na agad uli ako sa Futamatagawa.
ang mga requirements pala ay ang mga sumusunod:
1. valid Phils. drivers license w/OR
2. certification from LTO, authenticatin from Malacanang,DFA and Phil. Embassy.
3.Passports (olds and new)
4. translation of license from JAF
5. 1 ID picture
6. kung mayron ng dating japanese drivers license
7. IDL if you have
8. Allien card and money

Day 1 nagtake ako ng aptitude test at written exam in , 10questions lang naman at ang passing score ay 7. nakapasa ako kaya na-schedule ang actual driving test.naka 2 take ako ng actual driving test kaya pag-uwi ko dala ko na ang aking japanese license. Nagpapasalamat ako sa mga friends kong nag-baby sit sa bunso ko habang kumukuha ako ng test, kung wala sila hindi ko siguro mahaharap ang magpa-change ng license.