Thursday, November 24, 2005
Shiroyama Park
Sa lahat ng napuntahan kong park dito sa place namin ay ito ang pinakamalaki at nakaka-enjoy na puntahan. pwedeng maglaro ang mga bata, magpicnic, jogging, walking at kahit sight seeing lang. meron pang Rose garden o garden ng roses na bulaklak. Kaya paborito kong puntahan, pampaalis ng stress. lalo pa ngayong season yung puno ng momiji at ibang puno ay napakaganda sa mata, sari-sari ang kulay. May yellow, red, orange, green and brown. Malamig na nga lang ang panahon kaya kailangan ikutin mo sya para ka pagpawisan.
Practice driving
Yey! sa loob ng isang buwan kong pagkakaroon ng Japanese drivers license nagamit ko rin sya sa wakas at naiarangkada ko na rin si Alto kun!(my car) pero syempre practice lang muna. Medyo kibishi (mahigpit) ang aking boss dahil maliit pa ang aking prinsipe(*^_^*) Kaya hanggang dun lang muna hwag magmadali.
Wednesday, November 16, 2005
Sushi
Isa sa paboritong pagkain ng mga Japanese ay Sushi. Pero sa tagal ko na rin dito sa Japan ito lang ang hindi ko matutunang kainin pati sashimi. Bakit kaya? Kase hindi ko ma-take ang amoy at lasa. Para mapagbigyan ang aking one and only man pati na rin ang ang aking prinsesa, pinagbigyan ang kanilang kahilingan na pumunta ng Kaiten sushi after 5 years interval. Aba yung prinsipe ko na wala pang 3 years old humataw rin! Akala ko hindi sya makakakain, nakipagsabayan at naparami talaga ang kain! Pag may okasyon like birthday, x'mas o kahit walang okasyon nagpapadeliver na lang kaya siguro bumawi lang sila!. Infairness syempre umorder din ako ng talagang pwede kong kainin instead of sushi. Kaya solve na solve ang aking mag-aama nung kami ay umuwi na (*^_^*)
Subscribe to:
Posts (Atom)