Tuesday, March 21, 2006

My 1st driving in Japan.

Sa wakas after switching my local license to Japanese driving license for almost 5 mons. ay pinayagan na rin ako ng aking bosing(my husband) na gamitin ko ang aking si Alto(^o^)..yehey!!pero syempre dun muna sa malapitan, kaya kasama ko ang aking mga tsikiting kanina para mag-grocery ng ilang pagkain para sa bahay..

Saturday, March 04, 2006

Hinamatsuri..

March 3, ay araw na ipinagdiriwang ng mga batang babae dito sa Japan. Ipinapalamuti ang mga manika (Hina Ningyo) at naghahangad ng kalusugan at kaligayahan para sa anak na babae. Kaya naman tuwing sasapit ang araw na ito ay sinisikap kong maghanda para sa panganay ko. chirashi zushi na karaniwang inihahanda dito sa Japan..