Thursday, April 20, 2006

Sakura Hanami



Kung spring ang pag-uusapan dito sa Japan, ang unang-una kong maaalala ay ang hanami.. Puno ng cherry na namumukadkad sa bulaklak kaya maganda sa paningin. May parte ng Japan na mabilis mamulaklak nauuna rito ang part ng medyo mainit-init ang lugar, hindi katulad ng medyo matataas na lugar o malamig na lugar. Ito ay inaabot lang ng isang linggo, kaya ang may gustong maghanami ay may pagkakataon na mag-kainan, mag-inuman, at magkantahan sa ilalaim ng puno nito. Yung ibang tao ay dumadayo pa kung saan-saan. Ang nasa litrato ay kuha ko sa malapit sa aming lugar na madalas kong pasyalan kapag ganitong panahon ng hanami.