Wednesday, September 07, 2005

Tatted Coaster

Sino sa ating mga kababayang Pilipina kaya ang nakakaalala pa kung paano ang pagtatting na itinuro pa nong tayo'y nasa mababang paaralan? Natuto ako nito ng magkaroon ng project sa school. Pero yung pinaka-basic lang talaga ang aking natutunan. Buti na lang at medyo may alam din ng konti ang Mother ko kaya nadagdagan ng isa ang alam ko pang design. Isa lang sa mga nagawa ko ay tatted lace na itinahi ko sa cover ng pillows. pero itong isang ito ay may 3 pang pares na natapos ko. Ginaya ko lang ang design na ito sa isang libro na binili ko. Sa susunod iba namang design ang aking sisimulan.

No comments: