Nagbago na ang batas ng Japan tungkol sa pagmamaneho ng sasakyan na gamit ang International Driving License. Ang IDL ay pwede lamang gamitin kung nag-stay ka ng 3months sa Pilipinas , pero kung may balak kang magtagal sa Japan ng 1 year above ay kailangan mo ng i-convert ang iyong local license sa japanese drivers license. Ang sinuman na mahulihan na gumagamit ng IDL kahit hindi mo alam ang bagong batas na ito ay mumultahan ka pa rin ng 200,000 or 300,000 yen o mahigit pa.
Mabuti na lang nasabihan ako ng isa kong kaibigan na hindi na pwede ang IDL. Kaya kahit na paper driver pa rin ako for 14 years, lakas loob pumunta ako sa Futamatagawa Licensing center. Hindi naman kasi makakapag-practice kung wala kang license. Una dinala ko na ang halos lahat ng requirements like :
valid Phils. drivers license w/ OR(official receipt) , dahil sa 5 times na akong nag-renew ng license hindi na nakasulat ang date of issue, wala na rin yung 1st OR ko kaya nagpakuha ako sa father ko ng certification sa LTO na nagpapatunay kung kailan na issuance ang ang aking license. Then kailangan mapa-authenticate sa Malacanang at mapalagyan din ng red ribbon sa DFA. Ang masaklap nito hindi tally yung number na nakalagay sa certification sa LTO at sa dala kong OR. So panibagong pakuha na naman ng certification and this time kailangan naman ang certification from Phil. Embassy. Kaya punta ako ng Tokyo para kumuha mga 5,250 yen ang bayad. Nung makumpleto ko ang requirements go na agad uli ako sa Futamatagawa.
ang mga requirements pala ay ang mga sumusunod:
1. valid Phils. drivers license w/OR
2. certification from LTO, authenticatin from Malacanang,DFA and Phil. Embassy.
3.Passports (olds and new)
4. translation of license from JAF
5. 1 ID picture
6. kung mayron ng dating japanese drivers license
7. IDL if you have
8. Allien card and money
Day 1 nagtake ako ng aptitude test at written exam in , 10questions lang naman at ang passing score ay 7. nakapasa ako kaya na-schedule ang actual driving test.naka 2 take ako ng actual driving test kaya pag-uwi ko dala ko na ang aking japanese license. Nagpapasalamat ako sa mga friends kong nag-baby sit sa bunso ko habang kumukuha ako ng test, kung wala sila hindi ko siguro mahaharap ang magpa-change ng license.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment