Saturday, January 20, 2007

Coincidence lang ba?

Marami ang hindi kaaya-ayang pangyayari o naganap bago matapos ang taong 2006 hanggang sa ngayong kasalukuyang taon 2007. Halimbawa na ang pagsalanta ng lindol at bagyo sa iba't-ibang panig ng mundo, tulad ng Indonesia at Hokkaido, Japan. Mga ijime o bullying problems sa mga schools na cause ng pagpapakamatay ng ilang estudyante, sunod-sunod na patayan, at aksidente sa daan. Dito sa aming kapaligiran, mga namatayang kaanak ng kaibigan, mga sakit na hindi inaasahan, nitong nakaraan lang, aksidenteng nabagsakan ng bakal ang ang kaliwang paa ng aking mahal na kabiyak kaya nagpasko at nagbagong taon na may saklay. ngunit thank GOD at ayon sa kanyang x-ray hindi naman napuruhan ang kanyang buto sa paa. Ito ba ay coincidence o talagang nakatakdang mangyari? Hindi man siguro natin maiiwasan ang ganitong mga pangyayari, mas magandang doblehin ang pag-iingat, o maging alert sa ano pa mang bagay at lalo pang dagdagan ang pagtitiwala sa ating Maykapal.

No comments: